fix articles 116491, alyansa pilipinas Los Angeles Indymedia : tag : alyansa pilipinas

alyansa pilipinas

Ipagdiwang ang Hunyo 12, 1898 ! (tags)

Ipinagdiriwang natin—ng Alyansa Pilipinas (AJLPP) at komunidad Pilipino sa Amerika ang ika-112 Araw ng kalayaan mula sa koloyalismong Kastila, Hunyo 12, 1898 . Sa dakilang araw na ito, habang sa Pilipinas, buong pagmamalaking pumaparada ang sandatahang lakas ni Gloria para siya bigyan ng pamamaalam at ang paksa ng parangal sa Luneta ay ang mga nagawa ng kanyang siyam na taong paghahari, pinaalalahanan natin ang ating sarili na tuloy ang ating pakikibaka Batid nating uupo ang bagong pangulong galling sa isang lumang pampulitikang dinastiya at mananatiling banta sa kanyang pamamahala ang sakim na si PGMA na nagiwan ng mahabang listahan ng pagmamalabis, lagim at pandarambong na halos kapantay o higit pa sa diktador na si Marcos. Dapat pa tayong humanda sa mas magiting at matindi pang pakikibaka. Ngayon pa lamang tiyak na mas tuso, garapal at marunong ang bagong pangulong si Noynoy Aquino. Kung tuso si Gloria at walang habag, alalahaning galing sa pamilyang warlord si Noynoy na may suporta sa showbiz , mga korporasyon sa media at uring asendero kayat paborito ng imperialismong dayuhan.

TIYA DELY MAGPAYO--HALIGI NG KULTURANG PILIPINO (tags)

Taus-pusong nagpupugay ang Alyansa Pilipinas (AJLPP) sa matibay na haligi at tagapagtaguyod ng kulturang Pilipino lalo na ng wikang Tagalog si Tiya Dely- Fidela Mendoza Magpayo. Kasama kami ng mamamayang Pilipino nagpupugay at nalulungkot sa iyong pagyao. Nakikiramay kami ( ang AJLPP) sa lahat ng kamag-anak, kaibigan tagahanga at nakikinig sa iyong mga program. Sa loob ng animnapung (60) taon ang kanyang tinig ay pumailanglang sa ere. Kahit ang martial law ay hindi siya napatahimk. Palibhasa nagsimula siya noong 1940 sa panahn ng pananakop ng Hapoes at yumao lamang nitong 2008, si Tiya Dely ay sinubaybayan ng milyong nakikinig sa radyo at maging ng telebisyon ng dekada 1960-80.

Paglabag sa Karapatang Pantao, lalong Lumulubha (tags)

Mariing konondena ngayon ng Alyansa Pilipinas (AJLPP) ang patuloy at papatinding paglabag sa mga karapatang pantao sa Pilipinas noong bago at matapos ang eleksyong Mayo 14. Ayon sa mga nakalap na ulat ng AJLPP, tatlong myembro ng mga progresibong partido ang pinaslang kaugnay ng nakaraang eleksyon sa Camarines Norte at Iloilo. Apat naman mga myembro ng militanteng grupong magsasaka an pinatay sa Agusan del Sur at Negros Occidental Pinaslang din ng mga sundalo at sinalaula ang mg bangkay ng isang mag-ina sa Agusan del Sur.

ignored tags synonyms top tags bottom tags